Friday, September 14, 2007

XEN

Eto na..... eto na….. eto na whaaaaaaaaaaaaaaaaaaa…


Xempre di ko na patatagalin alam ko namang pinakahihintay nyo na ang grupong ito. Ang grupong walang kasing kapal, kupal at epal sa lahat ng bagay. . Eh teka anu nga ba ang history ng XEN? At anu ba ang ibig sabihin nito? Bakit XeN? Bakit di PAMPAm oh di kaya epaL since ang sabi makapaL naman ang kiLay ni Restty … so ganito kasi yon….

History




BAKIT xEn?

XENzzORED kase censored sa lahat ng bagay…. Mula ulo hanggang paa sama mo na pati libag at dumi sa kuko sa paa maging sa kasuluksulukan ng katawan at pag-aari namin….

PAANO NAGING xEn?

So ganito kasi yun, kasagsagan ng 3rd yr. namin, yung epal na TECHNO ini-ingget kame, at dahil nga mga inggetera’t inggetero kame nito, kaya tuloy sinto-sinto ang mga miyembro Lahat may depekto.



Pero back to the presentation, sige sisimulan ko na…

Sunday, May 27, 2007

WATTA mems

Marc Paul G. Fulgencio ang pinuno ng grupo tinaguriang robot dahil sa kilos nitong mukhang robot. Monggoloid kung minsan dahil hindi mo maintindihan. HinDi mo akalain may puso man din dahil sya’y umiibig, di lang sa isang bituwin kundi maging sa “maitim”. Matalino itongsi Paul kaya nga idolo ko. Itong si paul hunkabol, hugabol, kyutabol, luvabol, at puro bols… taga Linis ng rum na madumi di nagsasawa sa kakulitan naming mga OBB panu wala na syang remedyong magagawa ukol dun. Mapagbigay itong si paul sa kanyang kaibigang kyutabol at ako yun.,
(ahehehehe=p walang kokontra ako ang gumawa).

Alvin Soriano,
sakristan kuno pero ang totoo tarandado. Eto ang taong pag anjan ang guro wow akla mo kung cnong Anghel na kay bait pero once na lumabas na ang guro naku Parang demonyong walang kasing lupit. Matikas tong taong To tila kay swerte sa pagpapanggap dahil nakahanap ng babaeng malalasap.. oh… anu nanamang yan nas isip nyo…babaeng malalasap. malalasap ang pagmamahal ang syunga. Dipa na kuntento sa dilag na nabihag nito. maging si CApulong Nais pang matuhog buti na lang di nauto itong si Capulong Naku tila ata masyado ng nagatibo itong pinagsasabi ko tungkol kay Soriano. Sige na nga mabit din to, maasahan, anu gwafu??? Uu xempre mabait xa, masipag, maaga pumasok, ang gwafu??? Basta mabait xa.. ahehehe=p sama ko ba? Basta ayun ung mga katangian nia.

Tapos na tayo kay Paul, kay soriano, ngayon kay Leo MeƱeza naman tayo. Itong si Leo pag nakita mo talagang mapapawow ka… ibang klase kase papalicius ang dating …. Itong si Leo parang si palito machong macho. Umibig kay cavelle na kagrupo ko kaso walang nagawa kay panchito na barakong barako nakakatakot kaya hayun pinaubaya na lang si veckla sa piling na kapreng barako. pagkatapos dun kay MARIA LIEZEL SUTILO naman sya naku mabait talaga itong si Leo biruin nyo pina-ubaya nanaman itong si Yatot sa palakang buraot. Hay sadyang mabait Talaga itong si Leo kaya Hayun nakunteto na lang kay MiLLendo.

WATTA

Kilala nio ba sila Dominic, Jericho at Rico??? Eh sino bang makakalimot sa kanila eh sila ang famous, papalicious, superstitious, hyperlicious, bootilicious, hunkylicious, lawaylicious, at kung anu-anu pang “Cious” na Watta Men ng Dos. Oo….. Kung meron kaming Powerpuff meron din kameng Watta Men…. At di lang toh puro “cious” kundi may “bol” din toh…

Dahil sila ay mga hugabol, luvabol ,kissabol, chuabol, vollybol, basketbol, badmentolbol, gradbol, at higit sa lahat meron silang Y.A.G.B.O.L ohh anu yang nasa isip nio may meaning yan…..
Y
= yumming pagkain
A
= adorabol feelings
G=grabeng katawan
B= babae rin ang kahinaan
O=outstanding students sa klase at
L=ang “L” nila kung minsan….

Ahehehe=p ayan sila kaya sisimulan ko na ang pagpapakilala sa mga machoLicious kong tropa…

POWERPUFF mems


Elijah A. Lagnas. Eto na ang batang walang kasing tikas Ang daming sinuong na problema at kung anu- anu pa.Syota ni ordi. pasaway sa klase ang dami kaseng lalake Di lang lima sampu pa. ita din akala na namin nawawala Hay si jah-jah talaga walang kasawa sawa. Walang takot yan kung gusto nya gagawin nya anu bang pake nya sa iba ayan si jah-jah. Sikat dahil matikas…

si Carla B. Bagtas. Eto astig parang icetubig…. Ang ganda kasi matalino pa..kaso bulol nga lang ang liit kase ng dila eh…. Ang hirap nyang bigyan ng descripsyon wala na kasi akong mahagilap na ibang salita ukol sa kanya kundi maganda…. Parang si snow white… hala ayan wala na talaga akong maisip kaya sige next time na lang ulit may next issue naman toh eh… bawi ka na lang hah??? Aheheheh=p paxenxa talaga cge kay ipai na….




POWERPUFF


Oh….. nakikita nyo ba yan? Di lang sa TV Meron nyan pati sa OBB meron din! Pahuhuli ba naman kami??? Etong sa amin mas Bongga, mas maganda, mas sikat mas matikas, mas astig parang ice tubig, mas kikay katulad ng bangkay. Perong the best Description walang iwanan….The POWERPUFF GIRLS.

INDI mems

Bianca F. Almojuela. Tahimik na bata pero palaban kapag Sinumulan mo sa asaran. Akala mo pusong bato dahil die Hard sa pag-aaral naku! umi-ibig din pala… di ko na babanggitin kung sino alam nio naman na siguro kung sino itong tinutukoy ko. Ate ang tawag namin di dahil sa edad nya kundi dahil sa laki nya. Eto ang tinatawag na small but Terrible.

Etong si Kennedy R. Abarca. Pag-inasar mo yari ka… itong batang ito ang minimithi ay ang pagiging abogado… Nabugbog na toh ni Tiangco nagkapikunan hanggang sa nagkairingan at tanong nio kung anong pinag-awayan…. Kung sino ang mas gwapo sa kanilang dalawa… ahahahah=D diba nakakatawa…. Eto akala mo ordinaryo inaasar na Tyonggo, pero wag ka, baka nagkakamali ka ng pagkurap ng iyong mata madami po syang Nobya halos Lima-lima… at ang lupit pa ang gaganda wag ka ng magulat mga bata kasi kaya madaling nabola.

Pagkatapos ni Abarca si Virginia V. Espiritu naman. Eto po si pakman ng OBB. Isip bata at arteng bata! Masyadong mahiyain kaya hayun walang makain. Pero sa kabila ng yan mahal sya ni BABA. (bakit kaya?) Di ko rin alam… malaki ang mga masel ng babaeng to parang si jan geum pero sya talaga si Jenny ng Winter Sonata ang daming nabibighani sa ganda nya di lang si baba kundi maging si Mark Paul pa.

Maria Ana Veronica S. Trinidad. Ang haba ng pangalan Ganyan talaga pag matanda na. etong si tsang madami nang Nakarelasyon katulad ni MAO TSETUNG at iba pang sinaunang kalalakihan. Ngayon kamukha na nia si CLEOPATRA dahil sa buhok na straight na natural at di mahal. Nagkaroon ng childhood sweetheart. Bata palang lumalandi na ibang klase talagang matanda. Sya ang araw namin sa gabi at ilaw sa dilim, liwanag kung tawagin dahil sa noo yang kay kintab man din. Ma-aasahan kung ika’y nanganga-ilangan. Laging andyan upang ika’y tulungan ayan si Tsang malambot na parang unan.


Mahya Aarine Alman. Este MARIA Katherine L. Galvan pala. Kung gusto nio xang kausapin ikailangan may interpreter ka dahil di mo sya maiintindihan dahil sa kakaibang pananalita meron sia. Kamukha nia si Sam Soon. Ngo-ngo Version nga lang. tampulan ng asaran kawawa naman. Di nakapasa sa La saLLe scholarship di kase na intindihan. Pinanganak na may silver hair. Manyaman…. Madaming pina-uso sa rum….may kinompose na kanta at may sariling alphabetical order pa…. hayaan nio ipa-publish ko sa next page…..


At ang higit sa lahat si Kristoffer D. Ordinado. Etong batang to di mo malaman kung anong meron at kinaiinisan ng lahat, kinaaasaran, kina iiritahan, pinagtatawanan at higit ulit sa lahat tinatakwil ng sambayanan. Ewan ko pero ang bigat talaga ng dugo sa kanya ng buong sankatauhan. Kung titignan ayos naman sya magaling lalo na sa bio. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kung anong gawin nya ay di namin matanggap. Mabait naman sya kaso may pinipili nga lang. sabagay sabi nga You cannot please Everybody siguro nagsawa na rin sya samin at tinatangap na lang kung anong panlalait namin sa kanya. Ganun naman talaga ang buhay parang gulong may butas sa gitna ahahahaha=D tagos ba???



Ayan ang indi….. pero minsan nakikiminggle din naman…. Kasama rin namin minsan sa kalokohan, specially sa tawanan. Karamay sa iyakan at higit sa lahat sa Kopyahan maaasahan… ang Indi talaga walang kapaguran….. kaya eto na ang litrato ng buong Grupo...

INDIES

Matapos ang techno sa Indi naman tayo! Anu ba ang INDIES? Ang Indies ay samahan ng taong walang kaibigan, masakit man pero harapin na natin ang katotohanan. Sila ung mga tira tira sa klase na wala ng masamahan kung baga walang ka-mingle. Ahehehe=p sama ko ba? Pero sila ung mga kabataan na may sariling paraan sa lahat ng Gawain sa paaralan. Kayang tumayo sa sarili nilang kaparaanan. Gumawa ng walang katulong kundi ang sarili nila kaya nga INDIES eh….INDEPENDENT students of Bagong Silangan…. Kaya sige simulan natin ang pagtuklas sa kanila.....

Saturday, May 26, 2007

TF mems

Eto si Tyrone S. Tiangco. Edad Disi-otso Isang batang matalino pero tarantado. Madaming alam na kalokohan isama pa ang kagaguhan. Pero sa kabila ng katangahan merong natatagong kaba-itan. Tampulan ng asaran at gustong gusto ng mga ka-guruan sa kabaliktaran.


John Mark S. Castro. Wala akong masabi ukol Dito Kung baga saludo na ako. Pusa kung tawagin mukhang pusa kasi. Ahehehehehe=p kaulayaw si Laarnie Roxanne P. Sumalde na halos ikamatay itong pagkawala ng pusa kong kaklase….ang taong din ito di mo malaman ang takbo ng iniisip. Minsan maririnig mo na lamang ang sinasabi “ ang tagal ng uwian” sabay tingin sa orasan. “hay salamat talong subject na lang”. anak din ng Mayor itong batang ito ibang klase guro ang naghahabol sa kanya oh diba ibang klase talaga?


Albrich K. Cinco. Tall and dark and dark and dark and dark and dark and dark…that’s all thank you… ahehehehe=p jowk lang kahit ganyan yan ganyan talaga yan pero ipaglalaban ka nyan basta kaibigan lalo na sa bakbakan.isa lang ang mahal nyan kahit na libo libo ang babae nyan at ayun si PAGO. In long Pauleen Ann Golberto Olguera. Oh diba Bongga. Nagkakilala dahil na rin sa kapalaran nagtagal ng halos siyam na buwan, di nya daw kaze makalimutan.Aba na TL ang Kwago. Nakikipagbalikan kaso ayaw na ni PAGO nakakapagod na daw kasi…. Ahahahah=D ang haba ng istorya ni nog-nog kaya sige puputulin ko na dito.


Rollie B. Florano Jr. ito isa ring gago parang si Tiangco. Puro katarantaduhan ang nalalaman pero talentadong nilalang. Masayang kasama kaso kuripot nga lang talaga. Magaling mag-gitara , mang-irita,at marami pang iba. Itong taong to isa lang rin ang minamahal , parang cinco kahit alam nating mga techno ay madaming kalaguyo ibahin natin itong si Florano. Pitit ng grupo. Isa sa mga PALABAN na kabataan. Kawawa naman. Ang daming pasakit ang naririnig tinanggap at dinamdam. Pero okey lang yan. Sya pa eh kasama sa HALL OF FAME yan…


Nunong Pagkatapos ni Florano kay Cispin G. Ebuen Jr. Naman tayo. Tahimik na tao sa harap ng ibang Tao pero ang totoo sa harap ng tropa ibang klase kung manira. Tatagos hanggang buto ang pang aalipusta. Katulad ni cinco at Florano ibang klase rin kung umibig. Kaso ang hirap may kahinahihiligang ibang Gawain. Di ko na sasabihin masyadong XenZzored kung aking babanggitin. Ayan si nunong lahat ng nakikitang salamin hihituan. Lagi ring my dalang kikay kit at di mawawala ang pulbos at salamin. Bawat oras, bawat minuto at bawat sigundo kahit my guro walang pake-alam basta Makita lang ang sarili sa harap ng salaminan.


Majo Mark Joseph R. Agas. Kulot ang tawag nila kagilagilalas dahil sa talentong walang katumbas. May inang walang kasing kupas at amang walang kasing tigas. Matikas itong si Agas dahil sa pinaglaban nya ang kanyang pag-ibig na wagas. Hinamak lahat masunod lang ang kanyang hinahangad.Nagpamalas ng kakaibang lakas sa pagharap sa kanyang inang di natitinag. Matatag kung problema ang pag-uusapan lalo na pati sa kalokohan. Kung ghost hunting naman ang pag-uusapan naku itong no. 1. ayan si Agas Certified na PALABAN.



Natunghayan nyo ang techno. Yan ang kabangga nanim sa lahat ng kalokohan, inuman, iyakan, tawanan at katarantaduhan di lang sila ang magaling madami pang susunod sa kanila. Kaya nga eto sisimulan ko na… Sige eto na ang huling sulyap para sa mga avid fans ng Techno….

TF

Kahit kami’y isang pangkat nahahati parin kami sa iba’t ibang grupo kaya heto’t sisismulan ko na sa Techno Fusion.


Ito “daw” ang mga “Crush ng Bayan” (owsssss…… Really!? Ahehehehehe=p jowk only). Ngunit tumutol man kayo wala na kayong magagawa dahil mga “Tanga-Hanga” na nila ang naghusga……

Kaya heto wala akong magawa kundi magsulat ng maganda ukol sa kanila….. sila ang kakumpetensya naming mga Xenzzored ngunit kung pag-uusapan ay kasikatan aminado kame sila nga ang magaleng….. lahat ng mag-aaral dito sa Bagong Silangan kilala sila. Madami na ngang nayayabangan at nakakabangga ang grupong ito. Subalit di parin sila natitinag. Bak-bakan kung bak-bakan ang labanan. Kaya hayun ang dami ng grupo ang nagsipaggayahan. Ang dami nang nabuong kung anu-anong grupo ng kung sino-sinong tao. Mayroon na ring tinawag na “junior Techno” at naka bangga na rin ng Techno ito ang “Mafia”. Kaya sige sisimulan ko na….

Unang Putok

kwarenta kami noon at heto kami ngayon....


Syam ang nawala at Apat ang nadagdag. Madaming mukha ang nagbago at madaming mukhang walang pinagbago. Sabi nila kung may umalis, huwag malungkot at may darating din. Kaya heto’t nabuo kaming tatlumpo’t Lima.

Iba’t – ibang mukha, Iba’t ibang nilalang, iba’t ibang katauhan, iba’t ibang kalokohan. Pinagsamasama sa iisang kadahilanan. Pinagbuklod ng mga LASALLIAN, dahil sa kahirapan.


Ngunit itong mga kabatan may taglay na katalinuhan. Hindi namin alam kung anung gusto ng kapalaran at kami’y pinagtagpo dito sa Bagong Silangan……

Ahahahahaha=D naaaliw ka na ba??? Halika’t sundan nyo itong aming kwento, sa librong binuo sa tulong ng aming talento na pinagkaloob ni Kristo ang Diyos Espiritu Santo.

Tuesday, May 15, 2007

Paunang Salita

PAUNAWA

Sa lahat ng babasa ng kalokohang ito na pinamagatang OLIBROO… ni Jona Sarceno. Na may mga tiyak na bagay-bagay na malaswa at di kasi-siya sa inyong mga tenga at mata. Nawa maunawaan ninyo na ang aklat na ito ay binuo ng purong kalokohan at pawang katarantaduhan. Naway maunawaan nyo po…

Ang sino mang mambabasa na nagnanais magkaroon ng kopya ng aklat na ito mangyari po lamang na mag paalam sa may akda o sa sino mang kasama kong bumuo nito. Ito ay isa lamang paalala sa sinuman na nagnanais na makabasa at maangkin ang akdang ito. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng aklat na ito at baka madiscover pa ako…. Ahehehe=p dahil ayon sa Batas Artikulo WattaXenNo IndiePuff Blg. 123456789 ang pagxe-xerox ng di mo pag-aari o ng kahit na anong uri ng papeles na hindi humihingi ng pahintulot sa may akda (plagiarism) ay maaring patulan ng kaukalang parusa. Sa oras na malaman ko sige papakulam ko kayo. Kaya wag nang magtangka pa.

Narito Ang mga taong maaaring pagtanungan at pag-paalaman sa paghingi ng kopya:

Raniel Baltores De Padua

Pulis ang ama nian matakot ka
091*36*5*55


RoLLie Bonavente Florano

Kikay ang ina, ha-huntingin ka
091*2*4770*


Kennedy Raro Abarca

All around ang ama, bibitayin ka
09*83*631*6


Philip John Pantillano Flores

Walang trabaho ang ama
Ready sa kahit anong ipagawa ni anak sa kanya
09**7675773 / 09**6907621



Kaya mangyari lang po na mag-apaalam kayo sa akin o sino man sa kilang apat. Kung gusto niong kumuha ng kopya. Maraming salamat po.